
Another chapter is about to unfold...
Vous vous appelez comment? It means what is your name. hehehe... Sobra lang akong nag-eenjoy sa French class ko... Galing magturo ng professor. Sobrang extreme nga lang ng araw ko. Kasi, kung gaano ako naaaliw sa French class ko, ganun naman ako mabato sa next class ko. Huhuhu.. Alam nyo na siguro kung ano yun. High School pa lang e milagro nang makapasa ako sa exam ko dito kahit anong galing magturo ng teacher. Di naman sa pagmamayabang pero mas gusto ko pang mag-solve na lang ng equations kesa mag memorize ng dates. Pero kailangan ko siya para sa six units ng Philippine studies ko. Haaay... I hope I can manage to survive this semester...